Drug dealer timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | April 24, 2022
NUEVA ECIJA – Isang drug dealer ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bantug Bulalo, Cabanatuan City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arnold Palacio, 40-anyos, tubong Baler, Aurora,
Napag-alaman na ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ni Palacio ay dito na dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 150 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments