Drug dealer tiklo
@Balitang Probinsiya | Pebrero 5, 2023
NORTHERN SAMAR – Isang drug dealer ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Jubasan, Allen sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Mitomara Mangayao, nasa hustong gulang at residente ng Bgy, Paliparan, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug dealer.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sampung pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments