Drug dealer, arestado sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | November 11, 2020
NUEVA ECIJA—Isang drug dealer ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Poblacion IV, Penaranda.
Kinilala ang suspek na si Larry Torres, nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na drug dealer si Torres kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation dahilan kaya naaresto ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 265 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments