top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Droga talamak pa rin sa gitna ng pandemya, tsk-tsk-tsk!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2020
  • 1 min read

@Editorial | August 10, 2020



Shabu, marijuana, ecstasy at iba pang ilegal na droga ang nasabat sa magkakahiwalay na insidente sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Sa Pampanga, isang babae ang nahulihan ng mahigit P8 milyong halaga ng ecstasy.

Isang mag-asawa naman sa Lanao del Norte ang arestado sa P6.8-M shabu habang sa Valenzuela, tiklo rin ang umano’y supplier ng high grade marijuana.


Bukod sa mga bigtime pusher na ‘to, marami pang tulak at adik ang nahuhuli sa mga eskinita. Tipong nasisita sa face mask o curfew pero nang kapkapan, buking ang ilang sachets ng illegal drugs. Dumidiskarte kuno para mabuhay, nagdodroga para makalimutan ang gutom? Walang tamang dahilan para pumasok sa kalakaran ng droga.


Sadyang hindi tumigil ang bentahan ng ilegal na droga sa bansa, sa halip, naging talamak pa at sinabayan lang ang virus sa pagkalat.


Imbes na nakatuon sana sa paglaban sa COVID-19 crisis ang ating mga awtoridad, kailangan pa nilang paghuhulihin ang mga salot sa lipunan na mas matindi pa sa virus — hindi maubos.


Ang virus, kahit paano ‘pag may dumating nang bakuna o gamot, mas malaki ang tyansa na mapigilan pero, ang ilegal na droga, hangga’t buhay na buhay ang sistema at hindi maputol ang mismong puno at mga ‘nangangalaga’, mananatili itong nakamamatay at pumapatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page