Driver, todas sa police patrol car

@Balitang Probinsiya | March 10, 2021
ISABELA—Patay ang 23-anyos na driver nang aksidenteng bumangga sa police patrol car ang minamaneho nitong tricycle kamakalawa sa Bgy. District 1, Cauayan City.
Nakilala ang biktima na si June Dancel, residente ng Bgy. San Fermin sa nasabing lungsod.
Batay sa imbestigasyon, habang minamaneho ni P/Sgt. Sixto Baroga ang police patrol car ay aksidenteng bumangga sa likuran ng sasakyan nito ang tricycle ng biktima.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo ang biktima.
Kaagad dinala ng pulisya at mga saksi ang ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments