top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Driver, tinodas ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2021
1 min read

Updated: Jan 9, 2021

@Balitang Probinsiya | January 2, 2021



ZAMBOANGA DEL SUR—Isang tricycle driver ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Pagadian City.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Sonny Maguindara, nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, habang namamasada ng tricycle si Maguindara ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril sa biktima.


Dinala pa ng mga saksi si Maguindara sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page