Driver tiklo sa shabu sa checkpoint
@Balitang Probinsiya | November 21, 2022
PANGASINAN—Isang tricycle driver ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Balayong, San Carlos City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ronnel Paragas, 32-anyos at residente ng Bgy. Bolingit sa naturang lungsod.
Nabatid na napadaan sa police checkpoint ang tricycle na minamaneho ni Paragas at nang kapkapan ito ng mga awtoridad ay nakumpiskahan ang suspek ng sachet ng shabu.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments