Driver sugatan sa semplang
@Balitang Probinsiya | September 16, 2022
AKLAN—Isang driver ang sugatan nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang habal-habal kamakalawa sa Bgy. Rosal, Libacao.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jayboy Asiong, 27-anyos, residente ng Bgy. Loctuga sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng habal-habal si Asiong kaya sumemplang ito sa nasabing lugar.
Nabatid na nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.



Comments