top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Driver ng van sugatan sa kalabaw

BULGAR
Apr 23, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 23, 2022


PALAWAN – Isang driver ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng minamaneho niyang van ang isang kalabaw kamakalawa sa Bgy. Malinao, Narra sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang biktima na sa ngayon ay ginagamot na sa ospital.


Ayon sa ulat, bigla umanong tumawid sa kalsada ang kalabaw kaya nabangga ito ng van na minamaneho ng biktima.


Nabatid na nagtamo ng sugat sa mukha ang biktima nang tumama ito sa windshield ng van.


Napag-alaman na napilay naman ang kalabaw sa naganap na aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page