top of page

Driver ng multicab, tepok sa trak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 05, 2022

MISAMIS ORIENTAL–Patay ang driver nang aksidenteng bumangga ang minamaneho niyang multicab sa trak kamakalawa sa national highway ng bayan ng Jasaan.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Simeon Calunsag, nakatira sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Calunsag sa pagmamaneho ng multicab kaya bumangga ito sa trak.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang kusa namang sumuko sa pulisya ang hindi pinangalanang driver ng trak.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page