Driver nadaganan ng payloader tepok
@Balitang Probinsiya | Enero 9, 2023
BATANGAS—Isang driver ang namatay nang madaganan ng minamaneho niyang payloader kamakalawa sa Bgy. Sawang, Lobo.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Noel Lopez, 43-anyos at residente n Bgy. Laiya, San Juan sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, hinahatak ng minamanehong payloader ni Lopez ang trak na nahulog sa putik nang tumagilid ang naturang heavy equipment vehicle.
Dahil dito, agad tumalon si Lopez mula sa payloader kaya nadaganan siya ng heavy equipment vehicle.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments