Driver nabiktima ng ‘Salisi Gang’
@Balitang Probinsiya | July 24, 2022
AKLAN—Isang driver na nakatulog sa pinapasada niyang van ang nabiktima ng “Salisi Gang” kamakalawa sa Roxas Avenue, Kalibo.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jay Bolido, 42-anyos, residente ng bayan ng Numancia sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, matapos makapamasada ay inantok si Bolido, kaya itinabi nito ang pinapasada niyang van at natulog, pero pagkagising niya ay wala na ang bag na naglalaman ng kinita niya sa pamamasada.
Dahil dito agad nag-report sa himpilan ng pulisya ang biktima at sa pagsisiyasat ng mga awtoridad at napag-alamang nabiktima si Bolido ng “Salisi Gang”.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.



Comments