Driver na pusher, nasakote
- BULGAR
- Feb 14, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 14, 2022
CAPIZ–Isang driver na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Punta Tabuc, Roxas City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Daria, 37-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa naturang barangay.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments