top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Driver na pusher, dedo sa drug-bust

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 27, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 27, 2020



NORTH COTABATO—Isang driver na drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Lower Katingawan, Midsayap.


Kinilala ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Mark Dumile, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nang malaman ni Dumile na mga operatiba ang katransaksiyon niya sa drug-deal ay bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.


Mabilis na gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu, .38 revolver at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page