top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Driver dedo, pahinante kritikal sa bangin

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 4, 2022


ZAMBALES—Isang driver ang namatay at nasa kritikal na kalagayan naman ang pahinante nito nang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang trak kamalalawa sa Bgy. Mangan-vaca, Subic.


Kinilala ng pulisya ang namatay na si Rodel Flores, nasa hustong gulang, samantalang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng pahinanteng biktima.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Flores kaya nahulog ang kinalululanan nilang trak sa bangin.


Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Flores.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page