Driver, 30 pasahero sugatan sa bangin
@Balitang Probinsiya | August 19, 2022
BUKIDNON—Isang driver at 30 pasahero ang sugatan nang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang pampasaherong bus amalalawa sa Bgy. Tankulan, Manolo Fortich.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Tommy Magno kaya aksidenteng nahulog sa bangin ang bus na kanyang minamaneho.
Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala ang mga biktima sa pagamutan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.



Comments