Dobleng lakas at suwerte, dala ng no. 29 sa BULGAR
- BULGAR

- Dec 2, 2020
- 1 min read
ni Sr. Socrates Magnus II - @Special Features| December 2, 2020
Masaya at nakatutuwa dahil ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang ang ika-29 anibersaryo ng paborito n’yong pahagayang BULGAR, na patuloy pa ring nangungunang tabloid sa ating bansa.
Sa nakaraang 2020, masasabing ito ay panahon ng pandemya at mga pagsubok, ngunit sa ika-29 na anibersaryong ito ng BULGAR, magbabago ang lahat dahil ang numerong 29 ay sumisimbolo ng makabuluhang pagbabago, tulad ng buntalang Moon, patungo sa kanyang pagbulas, paglaki at pagliwanag.
Bukod sa numerong two (2), ang bilang na 29 ay kumakatawan din sa Mystic Number na 11, dahil ang 29 ay 2+9=11.
Kung ang 2 ay Moon, ang Uno o 1 ay nangangahulugan ng buntalang Sun. Ang Sun ay malaki, maliwanag at palaging nangunguna sa lahat ng bagay. Bukod sa palaging nangunguna, hatid din ng buntalang Araw ang init, lakas, kapangyarihan at mismong enerhiya ng buhay. Kadalasang dala rin ng Sun ang “Sunny Weather” o masayang panahon, kaya sa ika-29 na anibersaryo ng BULGAR, magpapatuloy ang pagiging No. 1 nito, at lalakas ang kanyang kapangyarihan at liwanag na magdudulot ng maliligaya at masasayang karanasan.
Ang isa pang dapat pansinin, bukod sa 1, ang 11 ay Doble Uno at ang Uno ang pangunahing bilang, kaya naman sa panahong ito ng BULGAR, asahan nang madodoble ang kanyang lakas, pangunguna sa lahat ng pahayagan, gayundin ang kanyang suwerte at magagandang kapalaran.
Dagdag pa rito, lahat ng kapangyarihan ng Araw na napakaliwanag ay magdodoble-doble rin sa panahong ito ng ika-29 anibersaryo ng BULGAR.
Kaya sa dobleng lakas, dobleng saya at doble-dobleng suwerte, muli, aking ipinaaabot sa inyong lahat ang maligayang pagbati ng ika-29 anibersaryo ng ating pahayagang BULGAR.


Comments