Search
  • BULGAR

Dine-in sa mga restaurants, hanggang 9pm

ni Mylene Alfonso | June 24, 2020




Maaari nang kumain ang publiko sa loob ng mga restaurants hanggang alas-9:00 ng gabi.


Ito ang inanunsiyo ng Malacañang matapos na paluwagin pa ang restrictions sa mga food establishments sa bansa.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinalawig ng government task force ang dining hours matapos na mapaikli ang curfew hours sa alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw. Kumpara sa naunang curfew hours na mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw na ipinatupad ng pamahalaan.


Nabatid na pinayagan nang magbukas sa 30 percent capacity ang mga restaurants sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine habang 50 percent naman ang pinapayagan sa mga kainan sa modified GCQ areas.


Nabatid na kailangang sumunod ang restaurant at mga food establishments sa minimum health standards tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face masks.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.