top of page

‘Di na kering subaybayan ang mga junakis… Panganay, stress sa 2 kapatid na naligaw ng landas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 8, 2023
  • 1 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | November 8, 2023


Dear Sister Isabel,


Masalimuot ang kuwento ng aking buhay. Tatlo kaming magkakapatid ngunit magkakaiba kami ng ama. Hindi naman bayaran ang nanay ko, pero iba’t ibang lalaki na ang pinakisamahan niya, at ang ending lagi pa rin siyang iniiwan.


Ang problema ay hindi kami magkasundu-sundo. Lagi kaming nag-aaway kahit sa maliit na bagay lang. Pilit ko silang iniintindi dahil ako ang panganay pero sadyang matitigas ang ulo nila. Ayokong maligaw sila ng landas kaya pinapakialaman at pinapayuhan ko sila sa abot ng aking makakaya.


Wala nang panahon ang aming ina na subaybayan ang kanilang mga lakad. Sa ngayon, nalulong na sa bawal na gamot ang isa kong kapatid habang ‘yung isa naman ay naadik na sa sugal, kaya madalas na lumiban sa klase.


Ano kaya ang mabuti kong gawin para ‘di mapunta sa maling landas ang dalawa kong kapatid?


Tulungan n’yo ako, Sister Isabel.


Nagpapasalamat,

Trixie ng Valenzuela


Sa iyo, Trixie,


Ang pinakamaganda mong gawin ay lumapit ka tito at tita mo. Magpatulong ka sa kanila, sabihin mo sa kanila lahat ng nangyayari sa inyo. Hindi mo ‘yan masosolusyunang mag-isa. Kailangan mo rin ang tulong ng malapit n’yong kamag-anak na alam mong may malasakit sa inyo. Subukan mo ring sumali sa religious organization na nagbabahay-bahay para makapagbigay sa iyo ng kasiyahan at para malutas na rin ang suliranin ng iyong pamilya.


Higit sa lahat, idulong mo sa Diyos ang suliranin mo, walang ‘di malulutas kung hihingi ka ng tulong sa Kanya. Taimtim kang magdasal at tandaan mo, God hears, God listen, and God cares.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page