top of page
Pokwang.jpg

‘Di ka-compatible ang BF, dapat nang hiwalayan dahil makakahanap ng iba

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 15, 2020



Dear Maestro,


May boyfriend ako ngayon, kaso ang problema ay medyo magulo ang aming relasyon. Palagi kaming nag-aaway, mahal ko naman siya, kaso kung palagi kaming ganito, paano naman kami liligaya? Tama ba ang naiisip kong makipag-break na lang at maghanap ng bagong boyfriend? Kung ganito ang gagawin ko, sinu-sino ang mga ka-compatible ng birthday kong December 12, 1994? September 19, 1993 naman ang birthday ng boyfriend ko.


Umaasa,

Carol ng Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan

Dear Carol,


Tama ang inisip mo na kung hindi ka na masaya sa relasyon n’yo ng boyfriend mo dahil palagi kayong nag-aaway, bakit ka naman magtitiis at magpapakamartir pa?


Dagdag pa rito, ikaw din ang dapat magpasya ayon sa iyong ikaliligaya, at siyempre, tama lang na makipag-break ka sa boyfriend mo dahil sadyang hindi compatible ang zodiac sign mong Sagittarius, na nagtataglay ng elementong fire o apoy, sa zodiac sign na Virgo ng boyfriend mo, na may elementong earth o lupa dahil ang pagsasama ng lupa at apoy ay hindi compatible.


Ganundin sa Numerology, ang birth date mong 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) ay hindi suweto sa birth date na 19 o 1 (1+9=10/ 1+0=1) ng boyfriend mo, kaya kung magtitiis ka sa kasalukuyan n’yong relasyon, sa bandang huli ay wala rin itong patutunguhang maganda.


Upang lumigaya sa susunod na pakikipag-boyfriend, hanapin ang mga lalaking Leo, Aries o kapwa mo Sagittarius na may birth date na 9, 18, 27, 6, 15, 24, 3, 12, 21 at 30, dahil sa piling ng nasabing lalaki, walang duda na sa pakikipagrelasyon, habambuhay kang liligaya.


Ayon sa iyong Love Calendar, Carol, kung makikipagbreak ka sa kasalukuyan mong boyfriend, sa susunod na taong 2021, sa buwan ng Agosto o Nobyembre, isang lalaking medyo kayumanggi ang kulay ng balat, na isinilang sa zodiac sign na Aries ang makakarelasyon mo kung saan ang nasabing relasyon ay nakatakda ring mauwi sa maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page