Dealer ng marijuana, tiklo
@Balitang Probinsiya | December 5, 2022
KALINGA—Arestado ang big time drug dealer ng marjuana sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa bayan ng Pasil.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Albert Dugwawi, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Agbannawag, Tabuk City sa nasabing lalawigan.
Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may kargang pakete ng marijuana ang sinasakyang SUV (Sports Utility Vehicle) ni Dugwawi, kaya nadakip ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad sa sasakyan ng suspek ng mga pakete ng marijuana na nagkakahalagang mahigit P5 milyon.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments