Dayong pusher, huli sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | November 13, 2020
NUEVA ECIJA—Isang dayong drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Luna, Sta. Rosa.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Richard Ochoco, nakatira sa Bgy. Malimpangpang, San Ildefonso, Bulacan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na drug pusher si Ochoco na dumayo sa nasabing bayan para magbenta ng shabu kaya nagsagawa ng drug-bust operation dahilan upang madakip ang suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 29 gramo ng shabu at markadong sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments