top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dating pusher na nagbagong-buhay, nilikida

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 19, 2021




QUEZON—Isang dating drug pusher na nagbagong-buhay at fish vendor na ngayon ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Silangang-Mayao, Lucena City.


Nakilala ang biktima na si Joelan Revadulla, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang naglalako ng kanyang panindang isda si Revadulla ay bigla itong nilapitan ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Nabatid na dating drug pusher si Revadulla na nahuli noong Agosto 2017, pero mula nang makalaya ay nagbagong-buhay na ito sa pamamagitan ng pagtitinda ng isda.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page