Search
  • BULGAR

Dating interim light champ Poirier, wagi sa UFC Fight Night

ni Gerard Arce - @Sports | June 30, 2020




Matagumpay na nagwagi sa kanyang pagbabalik laro si dating UFC interim Lightweight champion Dustin Poirier ng magwagi sa isang kapana-panabik na bakbakan laban kay Dan Hooker na nagtapos pabor sa una para sa unanimous decision, Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa main event ng UFC Fight Night sa APEX gym sa Las Vegas, Nevada.


Nagamit ng 31-anyos na Lafayette, Louisiana-native ang kanyang well-rounded performance upang lusutan ang main event na 5th round lightweight bout na nagresulta sa matinding palitan ng buntalan ng dalawang mixed-martial art fighters sa unang dalawang round pa lamang.


Sinubukang dalhin ng nabansagang “The Diamond” ang laro sa grounds nang magsagawa ito ng ilang submission techniques ngunit hindi kumagat ang 30-anyos na New Zealander kaya’t nagpatuloy ito sa huling round. Dito patuloy pa ring ipinamalas ni Poirier ang tibay ng stamina at tatag ng binti ng magpamalas pa rin ito ng mahabang enerhiya upang mapagdesisyunan ng mga hurado na ibigay sa kanya ang 48-47, 48-47 at 48-46.


Bago ang tagpong laban ay huling sinubukang agawin ni Poirier ang titulo kay unbeaten champion Khabib Nurmagomedov noong September 7, 2019 sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, na nagresulta sa 3rd round submission mula sa rear-naked choke sa UFC 242.


Tinapos naman ni Mike Perry ang kanyang two-fight skid sa isang one-sided unanimous decision laban kay Mickey Gall sa co-main event sa fan-free pa ring UFC corporate gym. Lumaban si Perry ng walang mga coaches na nagmamando sa kanya.


Every time we get in there, it's all up to me,” wika ni Perry. “I trained for this. I'm a professional.”


Nagsipagwagi rin sa kani-kanilang mga laban sa undercard matches sina Maurice Greene laban kay Gian Villante para sa 3rd-round submission (arm triangle choke); Brendan Allen laban kay Kyle Daukaus via unanimous decision (29-28, 29-27, 30-27); Takashi Sato laban kay Jason Witt para sa first-round TKO; Julian Erosa laban kay Sean Woodson sa isang 3rd-round submission (D'Arce choke); Khama Worthy laban kay Luis Pena mula sa third-round submission (guillotine choke) Tanner Boser laban kay Philipe Lins sa kanyang first-round TKO; Kay Hansen ng talunin si Jinh Yu Frey para sa 3rd-round submission (armbar); at Youssef Zalal laban kay Jordan Griffin via unanimous decision (29-28, 29-28, 29-28).


Ito ang ikalimang sunod na tampok ng UFC sa loob ng 5-weekend events sa Las Vegas gym matapos payagan ang mga combat sports gaya ng boxing na maglunsad ng laban sa Nevada kasunod ng pagpapahinto sa mga ito noong Marso dulot ng pananalasa ng coronavirus pandemic.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.