Dalagita, nalunod sa ilog
@Balitang Probinsiya | January 30, 2022
PANGASINAN–Isang 16-anyos na dalagita ang namatay nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Bolasi, San Fabian.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Erika Uson, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nangunguha umano ng talaba sa ilog si Uson nang mapagawi sa malalim na bahagi ng tubig kaya nalunod ang biktima.
Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima.
Nabatid na makalipas ang ilang oras ay lumutang na sa ilog ang walang malay na dalagita at agad itong dinala sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival.



Comments