Dalagita nalunod sa dagat
@Balitang Probinsiya | April 19, 2022
ZAMBALES – Isang dalagita ang namatay nang malunod kamakalawa sa dagat na sakop ng Bgy. New Cabalan, Olongapo City sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
Ayon sa ulat, huling nakitang buhay ang dalagita habang mag-isang naliligo sa dagat hanggang sa bigla itong nawala.
Sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima.
Ayon sa ulat, makalipas ang ilang oras na paghahanap ay patay na nang lumutang sa dagat ang biktima.



Comments