Dalagita, minolestiya ng kapitbahay
- BULGAR

- Sep 27, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 27, 2020
PANGASINAN—Isang 17-anyos na dalagita ang minolestiya ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa bayan ng Calasiao.
Ang biktima ay itinago sa pangalang “Melinda”, samantalang hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa biktima, tinawag siya ng suspek at may ipalilinis umano sa loob ng kanyang bahay, pero pagkapasok ng dalagita ay hinawakan nito ang maseselang parte ng kanyang katawan.
Kaagad lumabas sa bahay ng suspek ang biktima at nagsumbong sa kanyang mga magulang na kaagad humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at child abuse.



Comments