top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hiwalay sa mister, makapag-aasawa pa ulit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 23, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | October 23, 2021





KATANUNGAN

  1. Mag-iisang taon na kaming hiwalay ng asawa ko. Gusto kong malaman kung magkakabalikan pa ba kami o hindi na?

  2. Kung hindi na kami magkakabalikan, may ikalawa pa bang lalaki na darating sa aking buhay? Napansin ko sa aking mga palad na may ikalawang Marriage Line, kung mayroon pang ikalawang pag-aasawa, kailan ito magaganap at magiging maligaya na ba ako sa pag-aasawang ito?

KASAGUTAN

  1. Tama ka, Carmela, may namataan ngang ikalawa at mas malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) matapos mabiyak at tuluyang mawasak ang unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ito ay tanda na kung nabigo kang i-maintain ang unang pag-aasawa at nauwi rin sa paghihiwalay, umasa kang sa ikalawang pag-aasawa, sigurado namang liligaya ka na. Ito naman ay kinumpirma ng pumangit na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa unahan hanggang gitna, ngunit sa gitna hanggang huling bahagi ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow d.), ang nasabing guhit ng pag-ibig o emosyon ay nagbabadya o nagpapahiwatig na ng panghabambuhay at maligayang pag-aasawa, na pinatunayan din ng naayos at gumanda mo nang lagda sa dulong bahagi nito.

  3. Gayunman, ito ay indikasyon na pagtuntong mo ng edad 35 pataas, kung naging pangit ang napasok na pag-aasawa noong nakaraang panahon, sa ikalawang pagkakataon, may isang tagumpay at panghabambuhay nang pag-aasawang mararanasan. At tulad ng nasabi na, nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2022 hanggang 2023 sa edad mong 36 pataas.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tunay ngang sa aktuwal na karanasan, hindi lahat ng pag-aasawa ay humahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagsasama dahil may mga pagkakataon sa buhay ng mag-asawa na hindi naiiwasang mambabae ng lalaki at minsan naman, ang mismong ilaw ng tahanan ang naliligaw ng landas.

  2. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang buhay at kapalaran, sapagkat maaaring sa susunod na pagliko ng kalsada ng buhay, maaaring sa ikalawa o ikatlong pakikipagrelasyon ay makilala o makasama mo na ang indibidwal na sadya at malaon nang itinakda sa iyo ng kapalaran.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Carmela, ang nasabing senaryo o pangyayaring tinuran sa itaas, tulad ng nabanggit ay nakatakdang mangyari sa taong 2022 sa buwan ng Hunyo sa edad mong 36 pataas, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page