Construction worker, tiklo sa shabu
- BULGAR
- Feb 22, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 22, 2022
AKLAN–Isang construction worker ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Tigayon, Kalibo.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jerry Militante, 50-anyos, at residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay at dito nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments