- BULGAR
Construction worker, tepok sa kidlat
@Balitang Probinsiya | June 19, 2022
RIZAL–Isang construction worker ang namatay nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa bayan ng Taytay.
Ang biktima ay kinilalang si Jay-ar Urcia, nasa hustong gulang at residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang nagbibisikleta si Urcia ay biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.
Nabatid na nagtamo ng 3rgd degree burn sa katawan at nawalan ng ulirat ang biktima.
Dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.