Construction worker, pinatay ng armado
@Balitang Probinsiya | December 19, 2022
QUEZON—Isang construction worker ang namatay nang barilin ng armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Lusacan, Tiaong.
Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa ulo ay nakilalang si Rommel Pintang, 26-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nakatayo si Pintang sa tapat ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang suspek na si Odelon Adolarte at agad binaril sa ulo ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang salarin.



Comments