Construction worker, patay sa kuryente

@Balitang Probinsiya | December 11, 2020
AKLAN—Isang construction worker ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Tondog, Tangalan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Levy Tenoso, residente ng Bgy. Poblacion sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang nagtatrabaho ay aksidenteng napahawak umano si Tenoso sa live wire na nasa hollow block machine kaya nakuryente ang biktima.
Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama sa biktima ay nagtamo ito ng 3rd degree burns sa katawan.
Dinala ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments