top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Construction worker nilikida ng rider

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 10, 2022


BATANGAS—Isang construction worker ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong rider kamakalawa sa Bgy. Palahanan 2nd, San Juan.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Marvin Tejada, 30-anyos at residente ng naturang bayan.


Ayon sa ulat, naglalakad pauwi si Tejada nang sumulpot ang suspek na sakay ng isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang salarin.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page