Construction worker, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | February 15, 2022
AKLAN–Natagpuang patay ang construction worker kamakalawa sa labas ng kanyang bahay sa Bgy. Aliputos, Numancia.
Kinilala ng pulisya ang biktima Reynaldo Perhes, 46-anyos at residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa duguang bangkay ng biktima sa labas ng kanilang bahay.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nalamang may malaking sugat sa ulo ang biktima na palatandaan na ito ay namatay sa pagkakatama ng matigas na bagay sa ulo, tulad ng bato.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing krimen.



Comments