top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Construction worker nalunod sa irigasyon

BULGAR
May 21, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 21, 2022


ISABELA – Isang construction worker ang namatay nang malunod habang naliligo sa irigasyon kamakalawa sa Bgy. Oscariz, Ramon sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Reynante Peralta, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nakita umano ni Peralta na naliligo sa irigasyon ang kanyang mga kaibigan kaya naligo na rin ito, pero hindi na lumutang ang biktima sa tubig.


Agad sumaklolo ang mga kaibigan ni Peralta, at makalipas ang halos isang oras ay nakita sa ilalim ng irigasyon at naiahon dito ang biktima.


Dinala ng kanyang mga kaibigan si Peralta sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page