Construction worker na rapist, tiklo
@Balitang Probinsiya | August 14, 2022
PALAWAN—Isang construction worker na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Sandoval, Narra.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rupreto Miraflor, 46-anyos, pansamantalang nakatira sa naturang bayan.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pinagtataguan ni Miraflor kaya agad rumesponde ang pulisya at inaresto ang suspek.
Kusa namang sumama sa mga operatiba ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments