Construction worker na rapist, nasakote
- BULGAR
- Feb 27, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 27, 2022
AKLAN–Isang construction worker na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Julita, Libacao.
Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya ang suspek na nakasakay sa trak, kaya agad pinara ang sasakyan at dinakip ang rapist.



Comments