top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Construction worker, arestado sa shabu

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 11, 2021



NUEVA VIZCAYA—Isang construction worker na drug pusher ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Bonfal West, Bayombong.


Nakilala ang suspek na si Marion Munar, 27-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ni Munar ay dito na dinakip ang suspek.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Munar.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page