- BULGAR
Chairman, tinodas ng riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | July 11, 2022
CAPIZ—Isang barangay chairman ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Tabuc, Pontevedra.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Chairman Frederick Dullano, nasa hustong gulang at residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nakatayo sa harap ng barangay hall si Dulkano nang sumulpot ang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.