top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Chairman tinodas

BULGAR
May 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 1, 2022


DAVAO DEL SUR – Isang barangay chairman ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. San Jose, Digos City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Chairman Angelito Balasbas, 50-anyos at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nakatayo si Balasbas sa harap ng kanilang bahay nang sumulpot ang ang salarin at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page