Chairman, timbog sa 3 boga
@Balitang Probinsiya | February 11, 2022
BATANGAS–Isang barangay chairman ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng tatlong baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa San Felix, Sto. Cristo.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Chairman Gerry Punzalan, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Punzalan sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang .45 pistola, .30 pistol, i shotgun at mga bala.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong 3 counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments