Chairman tepok sa atake sa puso
@Balitang Probinsiya | August 19, 2022
NORTH COTABATO—Isang barangay chairman ang namatay nang atakehin sa puso habang nagtatalumpati kamakalawa sa Bgy. Doroluman, Arakan.
Nakilala ang nasawi na si Chairman Efren Felonia, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nagtatalumpati si Felonia sa anibersaryo ng Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) ay bigla itong natumba.
Dahil dito, agad dinala ng mga residente si Felonia sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Sa pagamutan, ay sinabi ng mga doktor na atake sa puso ang ikinamatay ng barangay chairman.



Comments