Chairman at 2 anak huli sa mga boga
@Balitang Probinsiya | May 30, 2022
ISABELA – Isang barangay chairman at dalawang anak nito ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng mga baril kamakalawa sa Bgy. Buyon, Cauayan City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Chairman Jesse, Sr., Jesse, Jr. at Rogie, pawang may apelyidong Eder, mga nasa hustong gulang at pawang residente sa nasabing barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ng mga suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang dalawang baril at mga bala.
Kusang sumama naman sa pulisya at hindi na nanlaban ang mga suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments