Chairman, 8 pa huli sa ‘hot logs’

@Balitang Probinsiya | February 13, 2021
ISABELA—Isang barangay chairman at walong iba pa na sangkot sa illegal logging ang inaresto ng mga awtoridad nang mahuli sa aktong nagkakarga ng mga putol na punong-kahoy sa trak kamakalawa sa Bgy. Cataguing, San Mariano.
Kinilala ang mga suspek na sina Chaiman Harley Deolazo, Jackson Malsi, Jerry Malsi, Herbert Martinez, Donald Cachuela, Michael Bacani, Jeffrey Deray, Jomari Palatao at ang driver ng trak na si Jerold Malsi, pawang nakatira sa naturang bayan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na nagkakarga ng mga putol na kahoy sa Bgy. Cataguing ang grupo ng barangay chairman kaya agad rumesponde ang pulisya at hinanapan ng papeles mula sa DENR (Dept. of Environment and Natural Resources) ang mga suspek.
Nang walang maipakita ay dito na inaresto ang mga suspek at kinumpiska ang trak na naglalaman ng mga putol na punong-kahoy.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.



Comments