top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Caretaker ng marijuana plantation tiklo

BULGAR
Oct 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 9, 2022


CEBU—Isa sa dalawang caretaker ng plantasyon ng marijuana ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Toledo City.


Kinilala ang suspek na si Christopher Canaliso, 37-anyos, residente ng nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip si Canaliso, pero nakatakas ang kasamahan nitong si Felix Labaso.


Nabatid na agad sinira at sinunog ng mga awtoridad ang mga pananim na marijuana sa naturang lugar na nagkakahalaga ng mahigit P800,000.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kay Canaliso, samantalang pinaghahanap pa ang nakatakas na si Labaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page