top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Caretaker natagpuang patay

BULGAR
Dec 21, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 21, 2022


ZAMBALES—Isang caretaker ang natagpuang patay kamakalawa sa lupang binabantayan nito sa Bgy. Sta. Rita, Olongapo City.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jonathan Hadley, 54-anyos at residente sa nabanggit na barangay.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima sa nasabing lugar.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay napag-alamang may sugat sa kanang kili-kili ang biktima na palatandaang ito ay pinatay.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang salarin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page