top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Caretaker natagpuang patay

BULGAR
Oct 6, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 6, 2022


ISABELA—Isang caretaker ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng kanyang kuwarto kamakalawa sa Bgy. Sta. Rita, Aurora.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jennifer Alfuerte, nasa hustong gulang, tubong Dumaguete City at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na ilang kasamahan sa trabaho ni Alfuerte ang nakakita sa bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nito.


Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad ay posible umanong atake sa puso ang ikinamatay ng biktima.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matiyak na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page