top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Caretaker, nag-amok dedo sa parak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2021
  • 1 min read

Updated: Jan 9, 2021

@Balitang Probinsiya | January 3, 2021



CEBU—Isang caretaker na nag-amok ang namatay nang barilin ng pulis na tinangka niyang tagain kamakalawa sa Bgy. Kalangahan, Tuburan.


Kinilala ang suspek na si Antonio Nogas, residente ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat, bigla na lang umanong nagwala si Nogas na armado ng itak at tinaga ang amo niyang si Hananias Ibo na tinamaan sa mga kamay.


Kaagad humingi ng saklolo sa pulisya ang mga residente, at nang dumating ang mga awtoridad ay tinangka niyang tagain ang operatiba kaya napilitan ang awtoridad na pagbabarilin ang suspek dahilan ng kamatayan nito.


Inaalam na ng pulisya ang motibo ng pag-aamok ni Nogas, samantalang ginagamot na sa ospital si Ibo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page