Call center agent, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | January 10, 2022
CAMARINES SUR–Isang call center agent ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz, Naga City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si John Rey Bon, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Penafrancia sa nasabing lungsod.
Napag-alamang nagpanggap na buyer ng marijuana ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ni Bon ay agad itong inaresto ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.



Comments