top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Call center agent na tulak nasakote

BULGAR
May 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 15, 2022


PALAWAN – Isang call center agent na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. San Pedro, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilalang si Perlito Gantang, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page